5 Christmas Party Roles bilang isang Newbie

Sa lahat ng kumpanya dito sa Pilipinas, hindi mawawala ang Christmas Party celebration! Maraming pagkain, pa-games, pa-sayaw at kung ano ano pa! Pero kung newly hired ka, mag-expect ka nang maraming pakulo ang ipapagawa sayo. Kaya kami sa FindWork ay gumawa ng Top 5 na mga bagay na kailangan mong paghandaan ngayong darating na pasko!


SASAYAW NA YAN! SASAYAW NA YAN!

Syempre hindi mawawala sa Christmas Party ang sayawan! Mapa-solo o magkagrupo, kailangan mong paghandaan to dahil manonood lahat ng ka-office mo! Ayaw mo naman mabansagan na KJ diba? Mas mabuti pang maghanda ka na ngayon pa lang para pag nagsigawan na silang lahat ng “SAMPLE! SAMPLE!” hindi ka magmumukang ewan sa harap. Syempre kunwari nahihiya muna tayo sa simula pero pag tumunog na ang kanta, todo mo na!

KAKANTA NA YAN! KAKANTA NA YAN!

Aminin na natin, hindi applicable sayo yung pag-sayaw. Tipong maaapakan mo yung sarili mong paa dahil napaka-uncoordinated ng katawan mo pag dating sa hatawan. Di bale, mahilig ka namang magkaraoke at ngayon ka na makakanta sa harap ng maraming tao! Ano pang hinihintay mo? Practice na!

Pwedeng ikaw nalang mag-host?

Dahil sa iyong swabeng dating at nakakaakit na tingin, ikaw ang napiling host ng Christmas Party! Maaaring takot ka magsalita sa harap ng maraming tao pero bes, may kodigo na nga eh. Kakanta, Sasayaw, o mag-hohost? Take your pick!

Christmas Party Committee Head

A.K.A punong abala at taga bili ng pagkain ng lahat. Ikaw mag-iisip ng concept, program, anong kakainin, anong susuotin, anong ire-regalo at kung ano ano pa! Kung mahilig ka naman mag-organize ng mga party nung nasa school ka pa, sisiw nalang to. Kung talagang mahiyain ka, ito na ang akuin mong trabaho!

IKAW ANG TAYA!

Hindi nawawala sa Christmas Party ang inuman! Syempre, lahat kayo magkakainan at magsasaya pero sa huli, laging may alak na kasama. At habang on the way palang ang 13th month pay, magpapalibre na sayo ng alak ang mga katrabaho mo! Kaya brace yourself, sagot mo isang case!

Ito ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring ipagawa o gawin ng newbie para mapasaya o ma-impress ang mga katrabaho niya sa opisina. Tip namin sayo kung newbie ka, ibigay mo na! Magpaka-baliw ka na at gumawa ng lasting memories para ang mga katrabaho mo ang maging close buddies!