Benepisyo ng FindWork at TESDA

Ang Technical Education and Skills Authority (TESDA) ay partner na ng FindWork. Ibig sabihin lamang nito, mas maraming Job seekers ang may malaking chance na magkatrabaho, agad-agad! Sa milyun-milyong graduate ng TESDA, hindi niyo na kailangang magpakahirap sa paghahanap, narito ang benepisyo ng partnership ng FindWork at TESDA:

  1. Pagkakaroon ng FindWork Account – Kung ikaw ay graduate sa TESDA, awtomatikong makikita ang seal of certification sa iyong profile matapos mag-login sa aming app. Ang ilan sa iyong mahahalagang impormasyon ay mailalagay sa iyong FindWork profile upang mas maging madali ang paghahanap ng trabaho base sa iyong qualifications. Kailangan mo lang mag-sign up sa app upang ma-enjoy ang pagkakataon na ito.
  2. Mas pinabilis na pag-aapply – Sa tulong ng FindWork, ang mga graduate ng TESDA ay mapapabilis ang pag aapply gamit ang aming app. Ito ay ginawa upang hindi mo na kailangan pang isa-isahin puntahan ang mga company na hiring dahil makikita mo na ito sa app, kasama ng description ng trabaho, saan ito naka-locate at iba pang kinakailangan na impormasyon
  3. Mas pinalapit na Trabaho – Gamit ang FindWork app i-mamatch ka nito sa mga trabahong malapit sa iyong lugar. Isa sa mga impormasyon na ilalagay sa pag-sign up sa app ay ang iyong location. Ito ay upang tulungan ka ni FindWork na makita ang mga “Job Hiring” na malapit lang sa iyo. Una nitong ipapakita ang mga available na trabaho sa iyong lugar o sa mga karatig-siyudad para hindi mo na kailanganin pang mahirapan sa malayong byahe, at mastress sa mahal ng pamasahe.
  4. Trabaho Agad – Di mo na kailangan mag antay ng matagal. Sa libu-libong partner companies ni FindWork ang trabahong hinahanap mo ay siguradong mapapasa-iyo.  Sa loob ng limang araw, siguradong makakatanggap k ng update tungkol sa iyong application. Makikita mo na kung ikaw ay shortlisted, for interview, hired or not qualified. Bibigyan ka din ni FindWork ng iba pang available jobs na pwede mong applyan para siguradong magkatrabaho ka, agad-agad!
  5. Trabahong Swak– Bukod sa agarang trabaho, masisiguro din ng partnership na ito na swak na swak ang trabahong makukuha mo sa skills na tinapos mo. Kasama sa ilalagay mo sa pag-sign up ay ang skills, mahalagang sagutan ito ng tama at totoo dahil ito ang magiging basis kung qualified ka sa isang trabaho. Sa tulong nito, mababawasan ang job mismatch, dahil ang trabahong makikita mo, ay sakto sa qualifications mo.

Maraming mga opportunites ang naghihintay sayo dito sa FindWork. Ang partnership na ito ay upang matulungan ang marami nating kababayan na magkaroon ng trabaho. Kaya ano pang hinihintay niyo? TESDA graduate ka ba? Mag-login na!