How to Answer Interview Questions

Kahit gaano ka pa naghanda, hindi talaga mawawala ang kaba kapag may job interview. Inihanda mo na ang iyong pinakamaayos na damit, nakapagprint ka na ng resume, at paulit-ulit mo ng sinasabi sa sarili mo na “smile lang, kaya ko ‘to” hindi mo pa rin tiyak kung paanong atake ang gagawin sayo ng Interviewer! Kaya mabuti ng handa at maging totoo ka sa sarili mo. Narito ang ilan sa tips kung paano sagutin ang Interview questions!

  1. Tell me about yourself – halos lahat ng interviews, ito ang unang tanong. Nakadepende sa sagot mo ang magiging first impression nila sila. Kapag hindi ka sigurado sa sasabihin mo, nauutal o walang direksyon, pinapakita lang dito na kulang ka sa confidence. Kung masyado namang marami ang sasabihin mo, maaaring maging iba ang dating nito. Kaya dapat ay balanse ang pagsagot. Hindi mukhang walang alam, hindi din mukhang nagpapanggap lang. Maghanda lang ng ilang sentences tungkol sayo, at mas maganda kung magiiwan ka ng curiosity sa Interviewer para mas maging excited sya malaman ang mga bagay tungkol sa iyo!
  2. Why do you want to work here? – ang tanong na ito ay di lang tungkol sa bakit mo gustong magtrabaho dito, dapat din na masagot mo yung hidden question na “anong alam mo sa company na ito?” Mainam na magresearch ng maigi at alamin ang sistema nila at maari mong sabihin kung paanong paraan ka makakatulong sa pagabot ng goal nila.
  3. Why should we hire you? – sa tanong ito, dapat mong sabihin ang skills mo na sakto sa inaapplyan mo! Mahalagang maging specific at isummarize ang iyong kakayahan sa maiksi pero makabuluhang detalye. Maaari mo din banggitin ang mga achievements mo at ilan pang impormasyon na mas makakapagdagdag ng points sayo!
  4. What are your greatest strength and weakness? – Sa pagsagot ng strength, mahalagang sabihin kung ano ang skills mo na sakto din sa qualifications nila, mas mainam kung gagawa ka ng listahan upang mas madali mong ma-ideliver ang iyong sagot. Sa weakness naman, sikapin pa din na maging positive dito. Maging totoo sa pagsagot at maaaring sabihin na sa ngayon ay sinisikap mong ma-overcome ang weakness mo.
  5. What are your salary expectations? – mukhang simple ang tanong pero maaaring magdulot ng di magandang resulta kung di mo masasagot ng tama. Kung ma-overpriced ka, pwedeng isipin na you’re too full of yourself. Kung underpriced naman ay maaari kang mabigyan ng lower offer. Kaya ang mainam gawin, magresearch kung ano ang mas malapit.
  6. How do you handle stress and pressure? – dito malalaman ng mga hiring managers kung anong gagawin mo sa mga difficult situations na maaaring ma-encounter. Kailangan mong maging specific, pwede mong sabihin na nagpapahangin sa labas, kumakain ng sweets o kahit ano pa. Wag na wag mong isagot na hindi ka naisstress dahil mahirap itong paniwalaan. Magbigay ng mga halimbawa para masuportahan ang iyong statement.
  7. Where do you see yourself in 5 years? – mahirap ang tanong na ito kung di ka prepared sagutin. Iwasang sumagot ng personal goals, hangga’t maaari magfocus sa career. Dito malalaman kung realistic or ambitious ang sinet mong goals. Mahalagang makita din nila na looking forward kang mag-improve kasama nila.
  8. Do you have any questions? – ito ang kadalasang huling tinanong. Pagkakataon na para mag-stand out. Marami sa mga nagaapply ay walang tanong pagtapos. Mainam na makapaghanda ka na ng dalawa hanggang tatlong tanong dahil nagpapakita ito na interesado ka at talagang nakikinig ka. Maari kang magtanong kung kamusta ang experience niya sa company.

Kapag natapos na ang tanong na ito, maari ka ng lumabas ng may may ngiti dahil alam mong nasagot mo ng maayos ang mga tinanong sayo. Maging confident sa sarili na makakapasa ka!