JOB SEARCH TIPS PARA SA MGA GAGRADUATE

Tapos na ang mga stressful night and days mga bes. Mga gabing walang tulog dahil sa Thesis, sunud-sunod na exams at di maubos-ubos na requirements, ang lahat ng yan ay tapos na, dahil graduate ka na! Congratulations, you did great!

Panibagong pinto na naman ang nagbukas, at karamihan sa mga ito ay kanya-kanyang diskarte na sa paghahanap ng trabaho.

Ngayong taon, libo-libo ang mga fresh grads na umaasang magkakaroon agad ng magandang trabaho, sa laki ng bilang na yun, mahalagang meron kang edge o competitive advantage sa iba. Kaya naman narito ang ilan sa mga “Job Search Tips” para sa mga katulad mong fresh grads.

  1. Magresearch tungkol sa napiling field.
  • Maglaan ng oras sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa piniling industry. Magkano ang average na sahod? Anong mga skills ang kailangan para sa mga entry-level positions. Para kapag nag-apply ka na, hindi ka manghuhula kung para saan ka talaga!
  1. I-update ang iyong Resume!
  • Ang resume ang isa sa pinakamalaking factor sa pag-aapply ng trabaho. Mahalagang ilagay dito ang iyong mga skills at kahit anong natutunan mo sa school na pwedeng makatulong sa company.
  1. Maging Professional sa Social Media Accounts
  • Sa pagsisimula sa iyong career, ang pananaw mo sa mundo gamit ang iyong mga social media accounts ay importante.Simulan na ang paglilinis ng iyong mga social media accounts. Karamihan sa mga company ngayon ay nagba-background check sa pamamagitan ng iyong social networking sites. Maging maingat sa mga shinishare at pinopost online, dahil maaaring makaapekto ito sa overall presentation mo sa company na aapplyan mo.
  1.  Be confident and ready sa pag-explore!
  • Dahil fresh graduate ka palang, dapat open ka sa mga suggestions at mga bagong bagay na pwedeng matutunan. Hindi lahat ng itinuro sa college ay applicable kapag nag-work kana. Learn to adapt and be confident sa iyong skills!
  1. Magdownload ng FindWork App!
  • Sa sobrang advance ng technology ngayon, trabaho na mismo ang lalapit sayo. Gumawa lamang ng profile at maari ka ng ma-imatch sa mga libo-libong trabaho. Magandang opportunity din ito para mapunta ka sa company na naghahanap ng katulad mo!

Sa tulong ng FindWork, mas madali na ang paghahanap ng trabaho. Kahit kaka-graduate pa lang ay napakarami ng opportunity ang maaari mong makita. Kaya naman para sa mga fresh graduates dyan, it’s your time to shine. Kasama mo ang FindWork sa pag-abot ng pangarap mo.