Paano kumuha ng TIN Number kapag magtatrabaho ka?

Isa sa mga importanteng government IDs ang TIN o Tax Identification Number ID. Ito ay kadalasang hinahanap ng mga kumpanya sa mga nag-apply para maitala ng tama ang kanilang mga buwis.

Ang kagandahan sa TIN ID ay isa ito sa mga valid IDs na hindi nag-eexpire. Kaya naman napaka convenient magkaroon nito. Buti nalang at napakadali lang makakuha ng TIN ID galing sa BIR (Bureau of Internal Revenue).

Nandito ang FindWork Philippines para tulungan kayong makapag-apply ng mabilis at hassle-free. Sundan lamang ang mga steps na ito:

  1. Pumunta sa local BIR Office sa inyong bayan at dalhin ang mga requirements na ito:
    a) At least 1 Valid ID
    b) NSO Birth Certificate
  2. Fill up ang TIN application form
  3. Ibigay ang application form sa counter at ipakita ang requirements
  4. Hintayin ang Tax Identification Number na maibigay.
  5. Mag-request ng TIN Card ID, na lahat ng mamamayan ay may karapatan makuha ayon sa E.O. 98
  6. Hintayin ang ID. Kapag hindi busy ang opisina, maaaring makuha mo ito sa loob ng isang oras. Kaso kapag busy ang araw na iyon, maaaring kailangan mo itong balikan sa ibang araw.

Siguraduhing itala ang Tax ID Number dahil kakailanganin mo ito sa pagtatrabaho o sa iyong negosyo.