Commuting Tips – North Edition

Kapag nasa Maynila ka, kailangan mo ng matinding will power at pasensya para makarating sa paroroonan mo. And that is, the power of commuting. Lalo na kung ang destinasyon mo ay yung mga CBD (Central Business Centers) o madalas puntahan ng maraming tao.

Bilang commuter, mahalagang alam mo kung paano makakarating dito at na-estimate mo na kung ilang minuto o ilang oras ang magiging byahe mo. Kaya naman narito ang ilan sa mga options kung bibiyahe ka mula sa Quezon City hanggang sa iba’t ibang business centers sa South.

Commuting Tips North Edition

Mula Quezon City hanggang Ortigas

Via MRT-3

  • Sumakay sa MRT station (southbound) at bumaba sa MRT-3 Ortigas station.
  • Kung ang pupuntahan mo ay malapit sa  SM Megamall, pwede mo na itong lakarin mula rito.
  • Maaari ka namang sumakay sa bus sa SM Megamall papuntang San Juan para makarating sa Robinsons Galleria, mula dito pwede mo ng baybayin ang  street ng Ortigas Center.
  • Pwede ka din sumakay ng jeep papunta ng Rosario, at bumaba sa Meralco Avenue. Ang mga Landmarks ay Ortigas Building at MC Home Depot.

Via LRT-2/MRT-3

  • Sumakay ng LRT-2 papuntang Araneta Center-Cubao station.
  • Maglakad papuntang Gateway Mall at Farmers Plaza para makarating sa MRT-Cubao station.
  • Sumakay sa MRT station (southbound) at bumaba sa MRT-3 Ortigas station.
  • Kung ang pupuntahan mo ay malapit sa  SM Megamall, pwede mo na itong lakarin mula rito.
  • Maaari ka namang sumakay sa bus sa SM Megamall papuntang San Juan para makarating sa Robinsons Galleria, mula dito pwede mo ng baybayin ang  street ng Ortigas Center.
  • Pwede ka din sumakay ng jeep papunta ng Rosario, at bumaba sa Meralco Avenue. Ang mga Landmarks ay Ortigas Building at MC Home Depot.

Via LRT2/ FX-Jeepney

  • Sumakay sa LRT-2 papuntang Pureza station.
  • Mula dito, may sakayan ng  FX papuntang SM Megamall
  • Pagkababa, pwedeng sumakay ng jeep/FX o maglakad papuntang Robinsons Galleria.
  • Galing Robinsons Galleria, pwede mo ng lakarin kung saan man ang lugar na pupuntahan mo
  • Pwede ka din sumakay ng jeep papunta ng Rosario, at bumaba sa Meralco Avenue. Ang mga Landmarks ay Ortigas Building at MC Home Depot.
  • Kung ang pupuntahan mo ay malapit lang sa SM Megamall, pwede mo na itong lakarin.

Mula Quezon City hanggang Makati

Via MRT-3

  • Sumakay sa MRT station (southbound) at bumaba sa MRT-3 Ayala station
  • Maglakad papuntang SM Annex. Magkakakonekta ang Shoemart, Park Square, Glorietta, Landmark, at Greenbelt gamit ang footbridge
  • Maaari ka din sumakay ng jeep depende sa iyong pupuntahan: Maglakad malapit sa MRT-3 station (pinakamalapit na landmark) o gumamit ng footbridge, at maaari ng maglakad papunta ng jeepney station malapit Shell
  • Sumakay ng jeep papuntang Washington.
  • Maari kang bumaba sa mga assigned unloading zones. Ang mga unloading areas ay sa  Makati Peninsula (Makati Ave.) at kalye sa pagitan ng Paseo de Roxas at V.A. Rufino St.

Via Point-to-Point (P2P) Bus

  • Maaring sumakay sa P2P bus service sa Trinoma Mall bus terminal at makakarating ka sa Glorietta 5.

Mula Quezon City hanggang BGC

Via MRT-3

  • Sumakay sa MRT station (southbound) at bumaba sa MRT-3 Ayala station
  • Maglakad papuntang BGC bus station kung saan nagbababa ito sa iba’t ibang points sa BGC

Via Point-to-Point (P2P) Bus

  • Sumakay sa P2P bus service sa Trinoma Mall bus terminal at makakarating ka sa Glorietta 5.
  • Maglakad papunta sa pinakamalapit na MRT-3 station, at maaari ng sumakay sa BGC bus station.

Via Jeepney

  • Sumakay gamit ang MRT o ang P2P bus papuntang MRT-3 Ayala station sa Makati at bumaba sa Ayala station.
  • Mula rito, maglakad papuntang terminal ng jeep sa ilalim ng MRT-3 Ayala station papuntang Market! Market!
  • Pwede din magtungo sa  North exit at sumakay sa BGC bus station.

Mula Quezon City hanggang Mall of Asia

Via LRT-2-LRT-1-Jeep

  • Sumakay sa LRT-2 papuntang Recto terminal station.
  • Maglakad sa connecting bridge para makarating sa LRT-1-Doroteo Jose station.
  • Sumakay sa LRT-1 to EDSA station.
  • Pagbaba ng  LRT-1-EDSA station, sa tabi Metropoint Mall, makikita ang mga orange na jeep papuntang SM Mall of Asia (MoA).

Via  LRT-2-LRT-1-Shuttle

  • Sumakay sa LRT-2 papuntang Recto terminal station.
  • Maglakad sa connecting bridge para makarating sa LRT-1-Doroteo Jose station.
  • Sumakay sa LRT-1 at bumaba sa Gil Puyat station.
  • Mula rito, kumanan at maglakad papuntang Pasay City Academy.
  • Sa harap ng Pasay City Academy, sumakay ng shuttle papunta ng SM Mall of Asia (MoA).

Via LRT-2-MRT-Jeep

  • Sumakay sa LRT-2 papuntang Araneta Center-Cubao station.
  • Maglakad papunta sa Gateway and Farmers’ Plaza para makarating sa MRT-Cubao station.
  • Sumakay sa MRT papuntang Taft terminal station.
  • Maglakad sa connecting bridge papuntang LRT-1-EDSA station.
  • Mula sa LRT-1-EDSA station, sa tabi ng Metropoint Mall, makikita ang mga orange na jeep papuntang SM Mall of Asia (MoA).

Dito sa Metro Manila, maraming dahilan kung bakit may traffic kahit di naman rush hour. Pwedeng dahil sa bagyo, may aksidente sa kalsada o kaya naman sahod at maraming sale sa malls. Ganun pa man, mainam ng handa at alam kung paano makakarating sa paroroonan.

Abangan ang aming Commuting Tips South edition! Meron ba kayong alternative routes na pwedeng i-share? I-comment niyo na!