Commuting Tips – South Edition

Maligayang Pagbalik! Matapos ang ating Commuting Tips North Edition, narito naman ang ilan sa mga posibleng route kapag galing ka ng South! Para sa mga taga-South, ito ang ilan sa aming tips para sa inyo.

Mula Parañaque/ Las Piñas hanggang Ortigas

Via Bus

  • Sumakay sa northbound bus papuntang Cubao o Ortigas via EDSA
  • Maaari ka ng bumaba sa Megamall, Ortigas, or Robinsons Galleria unloading zones, depende sa iyong pupuntahan.
  • Mula sa Robinsons Galleria, maaari ka ng maglakad-lakad para makarating sa iyong destinasyon
  • Maaaring sumakay ng jeep papuntang Rosario, at bumaba sa Meralco Avenue. Mga Landmarks ay Ortigas Building at MC Home Depot.
  • Kung ang pupuntahan mo ay malapit lang sa SM Megamall, pagbaba mo ay maaari mo na din itong baybayin.

Mula Pasay hanggang Ortigas

Via LRT-1/MRT-3

  • Maaaring sumakay ng LRT-1 sa EDSA Terminal station.
  • Magtungo sa MRT-3 Taft Station (sundan ang bridge na nagkokonekta sa LRT at MRT) sumakay sa MRT at bumaba sa MRT-3 Ortigas station, ang exit ay sa northbound side.
  • Maari ka din sumakay ng bus sa SM Megamall papunta ng San Juan, makakarating ka sa Robinsons Galleria kung saan pwede mo ng baybayin ang Ortigas Center.
  • Kung ang pupuntahan mo ay malapit lang sa SM Megamall, maari mo nalang ito lakarin.

Via LRT-1/Bus

  • Sumakay sa LRT-1 papuntang Gil Puyat station.
  • Sumakay sa bus na byaheng Ortigas, Monumento o Fairview.
  • Maari ka ng bumaba sa Megamall, Ortigas, o Robinsons Galleria unloading zones.
  • Mula Robinsons Galleria, maaari mo ng baybayin ang kalye upang makarating sa iyong destinasyon.
  • Maaari ka din sumakay ng jeep papuntang Rosario, at bumaba sa Meralco Avenue. Mga Landmarks ay Ortigas Building at MC Home Depot.
  • Kung ang pupuntahan mo ay malapit lang sa SM Megamall, pagbaba mo ay maaari mo na din itong baybayin.

Mula Pasay hanggang BGC

Via Bus

  • Sumakay sa kahit anong bus na pa-northbound, byaheng Cubao o Ortigas via EDSA
  • Bumaba sa MRT-3 Ayala station.
  • Maglakad patungo sa BGC bus station, ang bus na ito ay nagbababa sa iba’t ibang bahagi ng BGC

Mula Pasay hanggang Makati

Via LRT1-MRT

  • Sumakay sa LRT1  papuntang EDSA Terminal station.
  • Maglakad patungong MRT-3 Taft Station (gamit ang bridge na nagkokonekta sa LRT at MRT) sumakay dito at bumaba sa MRT-3 Ayala station.
  • Maglakad patungong SM Annex. Shoemart, Park Square, Glorietta, Landmark, at Greenbelt. Konektado ang mga lugar na ito dahil sa foot bridge.
  • Maari ka din sumakay ng jeep depende sa iyong pupuntahan. Maglakad papuntang MRT-3 station (pinakamalapit na landmark) o pwede din gamitin ang footbridge, upang makarating sa terminal ng mga jeep malapit sa Shell.
  • Sumakay ng jeep papuntang Washington.
  • Maaari kang bumaba sa mga assigned unloading zones. Ito ay matatagpuan sa Makati Peninsula (Makati Ave.) at sa kalye sa pagitan ng Paseo de Roxas and V.A. Rufino St.

Via LRT1-Bus/FX

  • Sumakay sa LRT1 papuntang Gil Puyat station.
  • Maaring sumakay ng bus/FX na byaheng Ayala, bumaba sa kalye sa pagitan ng Paseo de Roxas, V.A. at Glorietta/Rustan’s.

Ang mga ito ay tips lang, maaari pa din kayong makadiscover ng ibang daan para makapunta sa iyong paroroonan sa pinakamabilis na paraan. Manatili lang na handa bago umalis ng bahay para mabawasan ang hassle sa byahe. At laging tandaan, hindi solusyon ang init ng ulo, habang nasa byahe, maging kalmado tayo. Good vibes lang, makakarating ka din sa pupuntahan mo.

May mga maisusuggest pa ba kayo? Comment niyo na!