Paano kumuha ng NBI Clearance

Sa panahon ngayon, ginagawa ang lahat upang mas mapabilis ang proseso ng mga requirements. Isa na dito ang pagkuha ng NBI Clearance. Para sa iyong kaalaman, ang NBI clearance ay isang mahalagang government ID na kinakailangan ng lahat ng mga kumpanya bago ka tanggapin sa trabaho. Ito ay para malaman nila kung meron kang kinasasangkutang krimen o wala.

Noon, napakarami munang steps ang kailangan mong pagdaan bago mo tuluyang makuha ang iyong clearance, pero ngayon, tatlo na lang. Narito ang mga dapat gawin:

  1. Pumunta sa https://clearance.nbi.gov.ph/ at sagutan ang form. Tandaan lamang na ang NBI ay tumatanggap ng “one user- one email” policy. Siguraduhin din na ang mga impormasyong ilalagay mo ay tama at kumpleto dahil sa oras na nakapag-sign up ka na, wala ng pagkakataon na mabago mo ang mga nilalaman nito. Kapag natapos mo na ang lahat ng kailangan fill-up-an, maari mo ng i-click ang “Save Information”
  2. Mag-set ng NBI Clearance Appointment – matapos mai-save ang iyong personal na impormasyon, maari mo ng i-click ang “Apply for Clearance” na button. May lalabas na pop-up window na nanghihingi ng iyong valid ID na dadalhin para sa verification. Isa lamang ang kanyang hihingiin, pero sa mismong araw ng appointment, mas mainam na magdala ng dalawa hanggang tatlong ID para pangsuporta sa iba pang mga documents. Bibigyan ka ng registration code o reference number. Huwag mong kalimutang ilista ang numerong ito dahil kakailanganin mo ito sa sunod na hakbang.

Narito ang listahan ng mga ID na tinatanggap sa pagkuha ng NBI Clearance:

  • Previous copy of NBI clearance
  • Passport
  • Philhealth ID
  • Voter’s ID
  • Driver’s license
  • PRC license
  • SSS ID
  • Postal ID
  • School ID
  • TIN ID
  • GSIS UMID
  • Senior Citizen ID
  • Alien Cert of Registration

Sunod naman ay ang pag-schedule ng iyong pagpunta sa NBI clearance center para magpakuha ng iyong litrato at biometrics. Kailangan mong ipakita ang iyong registration code o reference number bago ka makakapasok. Ang shaded box na kulay blue ay patunay na ang oras at araw ay vacant pa. Piliin ang schedule na siguradong makakapunta ka.

  1. Hintayin ang Print-out – Kapag wala ka namang record ng krimen, maaaring makuha mo agad ang iyong clearance sa loob ng ilang minuto. Pero kapag nakakuha ka ng “hit,” kailangan mong kunin ang clearance mo sa araw na itatakda nila para sa iyo. Ang “hit” ay kung saan mayroon kang kasaysayan ng krimen, o may kapangalan ka sa rekord ng NBI na may sala sa batas.

Madali na lang di ba? Ngayong alam mo na paano kumuha ng NBI clearance, may trabaho ka na ba? Kung wala pa, mag-apply ka na! Tutulungan ka ng FindWork makahanap ng trabaho na swak sa’yo!