Paano Kumuha ng PhilHealth ID

Ang PhilHealth ay isang health insurance na nilikha para sa ating mga Pilipino. Ang lahat ay maaring maging miyembro, at maraming benefits ang makukuha dito na pwede din ma-enjoy ng mga dependents mo.

Para tuluyan mong magamit ang benepisyo ng PhilHealth, mahalagang magkaroon ka ng PhilHealth ID. Kaya naman inilista ng FindWork ang mga steps para kumuha ng PhilHealth ID.

Kung ikaw ay isa ng regular na empleyado sa isang kumpanya, ang inyong HR Manager na ang tutulong sa pagkumpleto ng requirements mo. Ngunit kung ikaw ay isang unemployed, self-employed, probationary o ordinaryong mamamayan, kailangan mong magregister bilang “Voluntary Member” para makuha ang mga benepisyo nito.

Para sa registered na, maaari ng sundin ang steps na ito sa pagkuha ng ID.

  1. I-download ang  Philhealth’s Registration Form mula sa kanilang website (PMRF)
  2. I-submit ang natapos na registration form sa pinakamalapit na Local Health Information Organization (LHIO) kasama ang mga dokumentong ito:
  • Dalawang 1×1 latest ID picture
  • Dalawang valid ID’s
  • At ang mga iba pang requirements ay:

Para sa SSS pensioners

  • Photocopy ng Death, Disability and Retirement (DDR) na nagpapakita ng  petsa ng retirement at effectivity date ng pension
  • Photocopy ng Retiree/Pensioner Certification na nagpapakita ng effectivity date ng retirement

Para sa GSIS pensioners

  • Photocopy ng Certification/Letter of Approval of Retirement na nagpapakita ng effectivity date ng retirement
  • Photocopy ng Service Record na binigay ng employer kung saan makikita ang oras ng iyong pagtatrabaho na hindi bababa sa 120 na buwan.
  • Photocopy ng Certification/Retirement Gratuity
  • Photocopy ng retirement voucher issued by GSIS na binigay ng employer kung saan makikita ang oras ng iyong pagtatrabaho na hindi bababa sa 120 na buwan.

Para sa Uniformed personnel ng AFP, PNP, BJMP at BFP

  • Photocopy ng General/Special or Bureau Order na nagpapakita ng effectivity date ng retirement
  • Photocopy ng Certification/Letter of Approval of Retirement mula sa GSIS na nagpapakita ng serbisyo na hindi bababa sa 120 na buwan
  • Photocopy ng Statement of Services na in-issue ng dating kumpanya na nagpapakita ng oras ng trabaho na hindi bababa sa 120 na buwan.
  • GSIS Disability Pensioner / SSS Permanent Total Disability Pensioner bago March 4, 1995
    • Photocopy ng Death, Disability and Retirement (DDR) kung saan makikita ang date ng retirement at effectivity date ng pension
    • Photocopy ng Disability Pensioner Certification issued by SSS/GSIS na may nakasulat na effectivity date ng pension o kung hanggang kailan  ang sakop ng disabled pensioner.
  • SSS Survivorship Pensioner bago ang March 4, 1995
    • Photocopy ng Death, Disability at Retirement na nagpapakita ng uri ng survivorship at effectivity date ng pension
    • Photocopy ng Survivorship Pensioner Certification na nagpapakita ng effectivity date ng pension
  • Ibang indibidwal na hindi nabanggit
    • Photocopy ng official receipts ng premium payments sa PhilHealth
    • Anumang dokumento na nagpapakita ng pagbayad ng premium sa PhilHealth

3. Hintayin ang Member Data Record (MDR) and PhilHealth ID Card

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga ganitong ID, kaya naman marapat lamang na paglaan ito ng oras at panahon. Kung wala ka pa nito, kumuha ka na! At mag-apply ng trabaho gamit ang FindWork!