Paano kumuha ng SSS ID

Ang Social Security System (SSS) ay isang ahensya ng gobryerno na katulad ng sa insurance. Ang SSS ID ay isa sa mga kinakailangan ipasa kung ikaw ay mag-aapply ng trabaho, passport, bank account, business at marami pang iba.

Ang SSS ID ay mayroon ding tinatawag na  Unified Multi-Purpose ID (UMID), ito ang pinag-isang account ng SSS, GSIS, PhilHealth and Pag-IBIG members. Narito ang mga requirements na kakailangan para makuha ang SSS ID:

  • SSS (E-6) Application form

Maaaring ipasa ang mga sumusunod na ID

    • Passport
    • PRC License
    • Driver’s License
  • Seaman’s Book

Kung sakaling wala ka nung mga nabanggit sa itaas, maaari mo din ipasa ang mga sumusunod:

    • Voter’s ID
    • GSIS (e-card)
    • UMID Card
    • NBI Clearance
    • Postal ID
    • Company ID
    • School ID (better if you have registration certificate)
    • TIN Card
    • Transcript of Records (TOR)
    • Marriage Contract
    • Birth Certificate
    • OWWA Card
    • Baptismal Certificate
    • Barangay Clearance
    • Student’s permit (issued by LTO)
    • Passbook
    • ATM Card bearing your name
    • Certificate of Nationality
    • Alien certificate of registration
    • Certificate of Naturalization
    • Certificate from the Muslim of Affairs
  • Life Insurance Policy

Upang makuha mo na ang ID, sundin lamang ang steps na ito:

    1. Magtungo sa pinakamalapit na SSS Branch or office para sa iyong assessment, verification at confirmation
    1. Ipakita ang mga ID na nakalista sa itaas, at kukunin ang iyong signature at fingerprint
  1. Pagkatapos, bibigyan ka nila ng acknowledgement slip o stub at hihintayin mo na lamang na mai-deliver ito sa bahay mo, o kung ikaw ay nagmamadali, maari mong tawagan ang branch na inapplyan mo upang ikaw na mismo ang kumuha nito.

Ang pagkakaroon ng isa sa pinakamahalagang dokumento ngayon ay nangangailangan ng konting sakripisyo. Minsan ay sobrang haba ng pila, minsan naman ay mainit na ang ulo ng mga kasabayan mo. Ganun pa man, kailangan lamang na paglaan mo ito ng sapat na oras at panahon, dahil kapag nakuha mo na ito, maraming bagay naman ang pwede mong paggamitan. Kaya kung wala ka pang trabaho, pero may SSS ID ka na, aba i-FindWork mo na! Dahil sa tulong ng FindWork, libo-libong trabaho ang naghihintay sayo.