Top 5 ways para labanan ang stress

Karamihan sa mga propesyonal na ay nakakaranas ng stress sa kanilang trabaho. Malaking problema ito dahil hindi lamang kalusugan ng isang tao ang naaapektuhan nito ngunit ang kaligayahan at performance.

Ang mga nagtatrabaho sa blue-collar level ang kadalasang nakakakuha ng intense at challenging na work environment. Karagdagan pa sa stress na maaaring makuha mo sa trabaho ay ang pagbuo ng magandang relasyon sa mga katrabaho mo. Kaya para maiwasan ma-stress at maging effective sa trabaho, ito ang 5 bagay na madaling gawin para bumababa ang iyong stress level, hatid ng FindWork Philippines.

1. Matulog ng maaga at pumasok ng maaga – Importante ang kumpletong tulog di lamang sa trabaho, ngunit para din sa kalusugan ng isang tao. Ang pagpasok ng maaga ay nagbibigay ng tamang impresyon sa iyong employer na ikaw ay seryoso sa iyong trabaho at commited kang ibigay ang iyong 100% sa mga task na ibinibigay sayo. Ito na marahil ang pinakamadaling gawin bilang isang empleyado.

2. Panatilihing malinis ang iyong workspace – Mas professional, mas effiecient at mas maraming space para makapagtrabaho. Siguro naman madali mong maiintindihan na talagang kailangan mong linisin at ayusin ang iyong work space para sa mas magandang productivity sa iyong trabaho.

3. Iwasang kumain ng lunch sa iyong workspace – Bukod sa pananatiling malinis ng iyong lugar sa trabaho, iwasan ding kumain ng tanghalian sa workspace mo. Bukod sa maaaring kalat na dala nito, mas magandang ihiwalay ang personal na pangangailangan sa trabaho mong ginagampanan. Pag ito ay naiwasan mo, siguradong mas mararamdaman mong malaya kang makakapagpahinga at hindi hinahabol ng mga deadlines mo.

4. Ipagdiwang ang bawat accomplishments – Panatilihing maganda ang pananaw mo sa trabaho at i-celebrate mo ang mga natatapos mong tasks sa araw. Di lamang performance mo ang mag-bebenifit ngunit nakakagaan din ito ng kalooban dulot ng magandang ang progreso mo sa trabaho.

5. Stay Positive! – Ang pinakamatinding kalaban ng stress ay ang negativity! Manatiniling malamig ang ulo at good vibes lang! Iwasang sumama sa mga toxic na tao at makisama sa  mga positive-thinkers sa kumpanya nyo.

Ito lamang ang ilan sa mga madadali at mabibisang paraan para mabawasan ang stress levels mo sa trabaho. Balitaan mo kami kung kamusta ka! Tumulong rin sa iba at i-share ang page na ito!